PANOORIN: Mga pulis nangharana sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2019 01:04 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

ANGELES CITY - Sumugod ang Police Regional Mobile Force Batallion 3 sa Angeles City, hindi para manghuli kundi para mangharana sa Araw ng mga Puso.

Bawat dumadaan ay binibigyan ng rosas at isinasayaw ng mga pulis. Pati ang mga lalaki ay hindi pinalampas.

“Sweet po. Thank you po sa flowers," ani Kim Ibañes, isang security guard.

“Nasisiyahan pa rin ako because they're doing their best to entertain the people around us," ani Elmer Paraso, residente ng Gerona, Tarlac.

“Isa po ito sa paraan para mapalapit po tayo sa mga tao, kinukuha po natin yung attention nila na hindi lang po yung pulis na nasa daan marunong din po sa mga talent po na kumanta at umawit sila," ani Senior Insp. Ryan Casupanan.

Namigay ng rosas at chocolate ang Pampanga Provincial Police Office nitong Araw ng mga Puso. ABS-CBN News

Samantala, rosas na may kasamang chocolates ang gimik ng Pampanga Provincial Police Office sa isang checkpoint nitong Huwebes ng umaga.

Mayroon ding ilan na nangharana sa mga tindera ng palengke sa bayan ng Porac.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.