Mga ritwal para matupad ang wish, magkapera sa Year of the Dog

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 07:23 PM | Updated as of Aug 27 2019 03:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

May mga ritwal na maaaring gawin para makaakit ng suwerte ngayong Chinese New Year.

Sa "Umagang kay Ganda" nitong Huwebes, ibinahagi ni Master Hanz Cua ang mga ritwal na pampasuwerte sa pagsalubong sa Year of the Earth Dog.

Ayon kay Cua, maaaring magpatunog ng gong para maitaboy ang malas, at makapagpasok ng "good fortune" at "good luck."

Pwede rin aniya maglagay ng "lucky talismans" sa pulang sobre, na ilalagay naman sa bulsa para mas masuwerte ang pagpasok ng bagong taon.

Kung ang hiling mo naman ay masayang pamilya at magandang kalusugan sa 2018, ipinapayo ni Cua ang pagdaan sa ilalim ng "lucky lantern."

Kung mas maraming pera naman ang nais na maakit sa buhay, puwedeng humiling sa "The 6 Buddhas" na may kaniya-kaniyang dalang suwerte.

"Para ma-bless ka dito, maglalagay ka ng coins dito, tapos papalakpak ka ng tatlong beses, tapos hahawakan mo 'yong rope, tapos mag-make ka ng wish na maraming pera pagpasok ng 2018," ani Cua.

Kung mas maraming suwerte pa ang hanap, puwede rin aniyang subukan ang ritwal sa "wishing tree."

"Ito pong wishing tree, isusulat mo sa pulang papel ang wish mo, tapos ihahagis mo itong ketket na ito sa puno. Dapat daw po sumabit. 'Pag sumabit, ibig sabihin daw po ay matutupad 'yong wish niyo," ayon kay Cua.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.