RECIPE: Shawarma

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 04:17 PM | Updated as of Sep 12 2018 10:28 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang manonood ng "Umagang Kay Sarap" segment sa programang "Umagang Kay Ganda" ang nag-request na matutunan ang recipe para sa shawarma.

Kasama ang guest kusinero na si chef Raphael Magno, sinabi nitong maaari rin palang maging masarap na ulam ang shawarma. 

Upang simulan ang paggawa sa shawarma, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1 kilo karne ng baka na hiniwa nang manipis
• 1/2 tasa ng yogurt 
• 1 kutsara ng cumin powder
• 2 kutsara ng lemon juice
• 1 kutsara ng all spice powder
• 1 kutsara ng paminta 
• Pita wrap
• Pipino
• Kamatis
• Lettuce
• Sibuyas
• Bell pepper
• Shawarma sauce

Pagsamasamahin ang baka, yogurt, cumin, lemon juice, paminta, at all spice powder. Hintaying mababad ang baka ng 10-15 minuto.

Iprito ang marinated na karne at hintaying maluto. Huwag patagalin sa apoy upang hindi manigas ang karne. 

Itabi ang nalutong karne.

Painitin ang pita o tortilla wrap hanggang lumobo. 

Ilagay sa pita ang lettuce, pipino, kamatis at sibuyas. I-ibabaw ang karne at irolyo ito gamit ang aluminum foil.

Kung mas nais ang kanin, ipaibabaw lang dito ang karne at magdagdag ng bell peper. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.