ALAMIN: Tipid tips sa pagbili ng bulaklak sa Dangwa

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 11:36 AM

MAYNILA — Dalawang araw bago ang Valentine's day sa Biyernes, nagsimula na ang paglobo ng presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila. 

Paboritong destinasyon ng mga mamimili ng bulaklak ang Dangwa dahil sa dami ng pagpipiliang mga produkto. 

Narito ang kasulukuyang presyuhan sa Dangwa: 

•Ecuadorian Rose → P250/stem
•Roses → P600/dozen
•Carnation → P250/dozen
•Sunflower → P150/stem
•Malaysian Mums → P150/bouquet
•Stargazer → P280/stem
•Gerbera → P300/10 stems
•Assorted flowers → P400-P600/bouquet

Tip ng mga tindera, puwedeng i-advance ang order ngayon at kuhanin sa mismong araw ng mga puso.

Inaasahan kasing lalo pang tataas ang presyo ng mga bulaklak habang papalapit ang mismong araw ng Valentine's. 

Siksikan na rin daw simula Huwebes, ayon sa mga tindera. 

—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.