PatrolPH

'Di lang bulaklak': Paano makatitipid sa regalo, date sa Valentine's day?

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 12:27 PM | Updated as of Feb 11 2020 12:42 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Bukod sa pagmamahalan, nauugnay ang Valentine's Day o araw ng mga puso sa umano'y malaking gastusin tulad ng mamahaling regalo sa kasintahan. 

Pero hindi naman kailangang gawing magarbo ang pagdiriwang ng Valentine's Day, ayon sa editor-in-chief ng Metro Magazine na si Geolette Esguerra - na nagbahagi ng tips para makatipid sa ireregalo sa Araw ng Mga Puso. 

Ayon kay Esguerra, mas nagugustuhan na ngayon ng mga millennial ang mamasyal. 

"How can you cultivate experience? They're into travel, going out so hindi kailangan mag-spend," ani Esguerra sa programang "Sakto" ng DZMM. 

Ang isang maaari aniyang gawin ay pumunta sa mga parke at museum. 

"Marami tayong lugar na puwedeng puntahan mga park... Like La Mesa Ecopark... Sa Luneta [na may mga] picnic area. Or big universities sa UP Sunken Garden, [and even] Ateneo, UST. Marami kang puwedeng i-explore. Even Fort Santiago [sa] underground na dungeon. Also museums," aniya. 

Kung ayaw namang masyadong gumastos sa pagkain, maaaring mag-food trip. 

"Puwede kang magbinondo food trip. It's a unique experience hindi mo yon gagawin on a normal day. And you may do it as a habit as a couple [later on]," ani Esguerra. 

Pero paalala rin ni Esguerra na hindi rin dapat nawawala ang mga regalo; bagkus ay magtipid din para rito. 

"Kasi pag tangible nahahawakan nakikita mo mas nararamdaman kaysa digital," paliwanag niya. 

Kung magbibigay naman ng regalo, nagbahagi naman ng tip ang "Sakto" host na si Kim Atienza. 

"Bili ka ng hilaw na bulaklak. Hintayin mo dalawang araw. Saktong February 14 iyan mamumukadkad," ani Atienza. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.