ALAMIN: Ano ang 'broken heart syndrome'?

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2019 07:11 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Madalas na iniisip ng mga tao na psychological ang mga nararamdaman ng mga taong nasaktan o "broken-hearted."

Pero ayon sa cardiologist na si Dr. Manuelito Turalba, nakaka-apekto sa puso ang matinding emosyon tulad ng galit, pagdadalamhati o sobrang tuwa.

Halos pareho umano sa sintomas ng atake sa puso ang sintomas ng broken-heart syndrome, tulad ng paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga, pagkahimatay at iregular na tibok ng puso.

Dagdag pa ni Turalba, stress management ang isa sa mga mabisang solusyon sa broken heart syndrome.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.