TINGNAN: 'Bulaklak' na nakakain, puwedeng panregalo sa Valentine's

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2018 06:27 PM | Updated as of Feb 12 2018 06:03 AM

ABS-CBN News

Karaniwan nang ipinanreregalo sa Valentine's Day ang mga bulaklak at matatamis na pagkain tulad ng tsokolate, kendi, at keyk.

Kaya naman masasabing extra sweet ang naiibang flower bouquet mula sa Guadalupe, Cebu City, dahil ang mistulang mga tunay na bulaklak, mga obrang puwede palang kainin.

ABS-CBN News

Gawa ng pastry chef na si Jeah Bequilla-Baron ang edible sugar flowers.

Kuwento ni Baron, hindi niya inakalang magiging negosyo niya ang sobrang pagkahilig sa mga bulaklak at ang sining sa pag-aayos nito.

Noong una'y libangan lang daw ni Baron na gumawa ng mga bulaklak mula sa sugar paste.

Hanggang sa nauwi na ang kaniyang libangan sa seryosong kabuhayan.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Baron, may mga pagkakataong pinipiraso-piraso o dina-dissect niya pa ang mga tunay na bulaklak para makita ang detalye nito at magaya sa kaniyang mga obrang bulaklak na puwedeng kainin.

Maging ang tila vase o kaya'y kahon na lalagyan ng sugar flowers ay keyk pala na maaari ring kainin.

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

Tanging ang ribbon o laso lang ang hindi edible sa flower packages ni Baron.

Naglalaro sa P3,000 hanggang P3,800 ang mga obra ng chef.

Bukod sa flower bouquets, ibinida rin ni Baron ang cookies na hugis puso at cupcakes na may mini edible sugar flowers.

-- Ulat ni Christopher Mahidlawon Mahilum, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.