10,000 tulips bagong atraksiyon sa Abra

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2019 10:21 PM | Updated as of Feb 10 2019 11:48 PM

Dinarayo sa bayan ng Bucay, Abra ang isang hardin kung saan nakatanim ang 10,000 tulips. ABS-CBN News

Isa sa mga madalas na inireregalo tuwing Araw ng mga Puso ang bulaklak. Pero sa isang hardin sa bayan ng Bucay, Abra, hindi lang isang dosenang bulaklak, kundi 10,000 tulips ang maaaring ihandog sa minamahal.

Nito lang Enero nang buksan ang Layugan Garden sa Bucay, na pag-aari ng dating alkalde ng bayan na si Victorino Barona Jr. at hango sa 10,000 Roses Cafe sa Cebu.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Nag-come up lang sa paglalakbay ni mayor. Nagpunta siya ng Cebu, nagpunta siya ng Davao, nag-research siya kung saan io-order," kuwento ni Roger Bernal, head ng Bucay Tourism Office.

"Para 'di ma-duplicate 'yong 10,000 Roses, tulips naman 'yong in-order niya," dagdag ni Bernal.

Ayon naman sa officer-in-charge ng hardin na si Jojo Tipon, itinayo ang hardin para makaakit ng mga turista.

"Para naman may ibang bisitahin dito sa Abra," ani Tipon.

Mas makikita raw ang ganda ng hardin pagsapit ng gabi dahil sa mga matitingkad na ilaw.

Bukas ang Layugan Garden mula alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi. Nasa P20 ang entrance fee rito kapag umaga at P30 naman sa gabi.

-- May ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.