Toni Fowler and Coco Martin. Photos from Dreamscape Entertainment.
MANILA -- Including social media stars will make the new teleserye "FPJ's Batang Quiapo" more relatable to the public, actor and director Coco Martin explained.
"Nabubuhay tayo ngayon sa social media tapos may mga vloggers. Ako kasi 'pag walang magawa, 'pag nagpapaantok ako, basta search lang ako nang search sa YouTube kasi wala na akong ibang social media kung 'di Viber at saka YouTube. Tapos lahat sila pina-follow ko kasi natutuwa ako sa bawat character nila eh," Martin said in a press conference.
"Sinusubaybayan ko sila. Talagang kilala ko sila and then nung nagbubuo ako ng community, sabi kong ganoon na naghahanap ako ng mga totoong tao kasi alam ko sa pamamagitan nila makaka-relate ang maraming tao," he added.
Toni Fowler thanked Martin for seeing the potential in social media stars and share their stories on television.
"Sobrang thankful po talaga ako kasi 'di ko po talaga expected kasi 'yung pinsan ko po talaga 'yung nakabasa ng e-mail. Eh 'yun po, baliw na baliw po sa 'Ang Probinsyano' umiiyak po siya kapag may makaka-break si Direk (Coco Martin) kasi medyo marami siyang naging partner doon di ba, talon siya nang talon," Fowler said.
"Ako wala akong masabi, kung 'di galing sa puso ko na sobrang thankful ako kasi hindi lahat ay nabibigyan ng social media artists ng pagkakataon na maging artista," she added.
"Sabi ko nga nu'n kay Direk (Coco Martin), lahat pwedeng maging bukas ng YouTube channel pero hindi lahat nakakatungtong sa TV, so 'yun pa lang sobrang thankful na kami. Isipin niyo po napakaraming mabibigat na artista pero sinasama niya po kami kahit saan. Walang malaki, walang maliit, walang beterano, walang nagsisimula pa lang."
While nervous about being on television, Fowler trusts Martin and the other veteran actors for their guidance.
"Sobrang saya 'yung pakiramdam. Lahat kami sobrang excited. Lahat kami iisa lang naman 'yung concern namin. Bilang kami influencers at wala nga kaming alam kung papaano ba, isa lang talaga, paano ba umarte? Marami kaming tanong kaya nae-excite kami at saka sobrang kinakabahan," she said.
"Nakakatakot maka-disappoint at makasayang ng panahon ng mga taong nagta-try na magtiwala sa'min. Very exciting."
Martin said that hard work still matters for him. "Ang pinakaimportante sa 'kin 'yung pagiging propesyunal sa trabaho. Hindi importante sa 'kin 'yung mahusay kasi 'yang husay na 'yan later on matututunan mo 'yan."
"FPJ's Batang Quiapo" will start airing on February 13, Monday – just half a year since the finale of Martin's historic “Ang Probinsyano.”
RELATED VIDEO: