PatrolPH

ALAMIN: Sino ang mga hindi maaaring mag-donate ng dugo

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2019 08:10 PM

Watch more on iWantTFC

Nagpaalala ang isang doktor kung ano ang mga dapat alalahanin bago magdesisyon na mag-donate ng dugo.

Ayon kay Dr. Rosella Montano, blood bank head ng University of Santo Tomas Hospital, nasa edad 16 hanggang 60 ang mga maaari nang mag-donate ng dugo.

Dagdag niya, dapat walang iniinom na pang-maintenance na gamot ang mga magdo-donate ng dugo at wala dapat itong iniindang nakahahawang sakit.

"Kung minsan mayroong mga pasyente who react sa mga gamot, 'yung reaction nila hindi maganda pag nagsasalin ng dugo. Baka mamaya may na-acquire siya o nakuha dahil sa na-transfuse," ani Montano sa "Good Vibes" ng DZMM.

Hindi rin inaanyayahang mag-donate ng dugo ang mga anemic at mga diabetic, maging ang mga may nakakahawang sakit.

Para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, binubusisi ng mga ospital ang mga donor bago sila makuhanan ng dugo.

Bago naman ng blood transfusion ay isasailalim sa iba't ibang screening ang pasyente para matiyak na "compatible" ang kanilang dugo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.