Binibining Pilipinas candidates, idinaan sa hashtag ang pagpapakilala

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 04:12 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

 
Namasyal sa iba't ibang lugar sa Araneta Center Cubao ang 40 mga kandidata ng 2018 Binibining Pilipinas beauty pageant.

Dahil malaking tulong sa kanila ang social media para mas makilala ng kanilang followers, kanya-kanyang gimik at creativity sa pag-iisip ng pasok na hashtag ang bawat kandidata.
 
"My hashtag is 'Binibini 29' of course and 'Sam4U.' My tita chose that hashtag for me since I was in a rush to pick," ani Samantha Kaye Avestruz. 

"My hashtag is 'corbetnabet' because my surname is Corbe and I just added 'bet na bet' so it would be more witty and more catchy!" ani Angelica Mae Corbe.

Bukod sa official hashtag ng kanilang pagiging kandidata, patindihan din ng sinusuportahang adbokasiya ang Binibini candidates na mas nagpalalim ng kanilang pagpasok sa prestigious beauty search ng bansa.
 
Ilan sa mga kandidata ay mga kinoronahan na sa ibang beauty search gaya ni Loren Mar Artajos na may titulo na bilang Miss Philippines Earth 2016.

"The challenge is of course, people are expecting a lot na may laban talaga, because it's a lot of pressure having a national crown. At the same time, it's also a challenge to myself because this is a different pageant," ani Artajos. 

Magaganap ang coronation night ng 2018 Binibining Pilipinas sa Marso 18 sa Araneta Coliseum at mapapanood sa ABS-CBN.