PatrolPH

Pagdadalamhati, pasasalamat buhos sa burol ni 'Healing Priest' Suarez

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 07:19 PM | Updated as of Feb 07 2020 08:24 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Walang tigil ang buhos ng mga taong nakiramay sa pagpanaw ni Fr. Fernando Suarez – na inatake sa puso habang naglalaro ng tennis. 

Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ng kinilalang “Healing Priest.” Pero sa kabila nito, naibsan ang kanilang pangungulila dahil sa mga alaala nila kasama si Suarez. 

“I’ve seen so many miracles done by father since I met him. He was an instrument of Jesus for healing,” ani Donnie Salvador, chairman ng National Sandigan Foundation. 

Pinapurihan din ni Fr. Jeff Shanoon, ang kasama ni Suarez nang madestino sila sa Pilipinas mula Canada, ang yumaong pari. 

“He just cannot stop thinking of ways to help, everyday he just exhausted himself to help,” ani Shanoon. 

Inilarawan naman ni Paulus Karmani, ang paring kalaro ni Suarez ang mga nangyari bago atakihin ito sa puso. Paboritong laro ni Suarez ang tennis. 

“It was 3-2 he was walking to one side. [When the score reached] Thirty-all he suddenly put his hand here, used racket to try and keep him up then he fell forward,” ani Karmani 

Nanalo pa ng dalawang singles match si Suarez bago ang insidente, ayon sa kanilang mga kalaro. 

Inilarawan din ng mga kalaro ang determinasyon ni Suarez sa laro. 
“He organized tennis tournaments for the priests he brought the clergy all together from all over the Philippines,” ani Romy Chan.
 
Naging malapit din ang yumaong pari sa mga manlalaro at sa kanilang mga pamilya. 

“During family challenges he counselled, prayed, my mom and dad when they were both sick he extended their life,” ayon sa isa pang kalaro na si Tonico Clement. 

Bumisita rin si Pangulong Rodrigo Duterte na minsan na ring umanong nakita sa Davao ang pagpapagaling nito sa mga may sakit. 

Nasa Batangas ang labi ni Fr. Suarez at nakatakdang ilibing sa Pebrero 15. 

--Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.