Sam Pinto, ibinahagi ang pampaseksi

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 11:56 PM | Updated as of Aug 29 2018 03:35 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ibinahagi ng dalawang beses na kinilalang "sexiest Pinay" ang kaniyang workout routine para mapanatili ang magandang pangangatawan.

Ayon kay Sam Pinto, kombinasyon ng surfing at yoga ang kaniyang sekreto sa kaseksihan.

Madalas mag-surf si Pinto sa kaniyang sariling resort sa Baler, Aurora.

Kapag naman nasa Metro Manila, yoga ang kinahuhumalingan niya.

"It made me happier from the inside, because parang stress-free... parang I'm more calm," ani Pinto.

Isa sa mga ipinasilip ni Pinto ay ang acro yoga kung saan may kasamang partner para magawa ang poses.

Kuwento rin ni Pinto, malaking impluwensiya sa kaniyang fit, healthy, at aktibong lifestyle ang professional football player boyfriend na si Misagh Bahadoran.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.