ALAMIN: Mga pampasuwerte sa pagpasok ng Chinese New Year

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 05:43 PM | Updated as of Aug 28 2018 07:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Para suwertehin sa pagpasok ng Chinese New Year, may mga pampasuwerte umanong kailangan ihanda, ayon sa isang feng shui expert.

Ayon kay Jean Chua, isa ang prosperity basket sa mga pampasuwerte ngayong Chinese New Year at Year of the Dog.

Kailangan umanong ihanda ang prosperity basket sa bisperas ng Chinese New Year at lagyan ng bigas, ampao na may lamang P999, at lucky charms. 

Dagdag pa ni Chua, puwedeng ilagay ang lahat ng uri ng lucky charms sa loob ng prosperity basket para maging balanse ang taon. 

Pagkatapos naman ng 9 na araw, maaari na umanong buksan ang prosperity basket at lutuin ang bigas na nasa loob nito para kainin ng buong pamilya. 

At dahil Year of the Dog ang 2018, maaari rin umanong maghanda ng dog image na puwedeng magdala ng suwerte sa bahay ng isang pamilya.

Para naman sa kalusugan, puwede umanong magsabit ng holy gourd sa pintuan ng bahay para makaiwas sa sakit. 

Sa mga tindahan naman, maaaring maglagay ng ingot para gumanda ang kita, ayon kay Chua.

Para naman sa mga nais matupad ang hiling, maaari umanong isulat ang kahilingan sa wishing paper at sunugin ito sa gabi.

Sa mga nais namang gumanda ang buhay-pag-ibig, puwede umanong maghanda ng mandarin duck at rose quartz. 

Ngunit bukod sa lucky charms, kailangan pa rin umanong magdasal at magsumikap.

"The feng shui kasi is more on enhancing our luck, pero kailangan pa rin natin 'yung prayers natin and hard work," ani Chua. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.