Wing walking, tampok sa 22nd Hot Air Balloon Fiesta

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2018 06:12 PM | Updated as of Aug 22 2018 04:49 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hanap mo ba ang kakaibang Valentine's date ngayong buwan ng pag-ibig?

Ngayong taon magaganap ang 22nd Philippine International Hot Air Balloon Fiesta sa Omni Aviation Complex sa Clark, Pampanga mula Pebrero 8 hangang Pebrero 11.

Ayon kay Captain Joey Roa, event director ng Philippines International Hot Air Balloon Fiesta, maraming mga bagong aktibidad ang magugustuhan ng mga magtutungo rito kabilang na ang wing walking.

"Mayroon pa rin tayong 'yung usual na hot air balloons na umagang-umaga. At nagdala tayo ng maraming-maraming activities. Dati 'yung skydiving exhibitions namin tatlo lang, ngayon apat na. Tapos mayroon tayong paragliding... But, of course, ang pinakabago is 'yung wing walkers," ani Roa na kasama mismo ang mga babaeng wing walkers.

Ang wing walking ay paggawa ng acrobatic acts sa ibabaw ng isang biplane na lumilipad.

Ito ang unang beses na magaganap sa Pilipinas ang wing walking.

"We would like to invite everybody sa aming piyesta. Marami kayong makikita 'di lang 'yung balloon, 'di lang 'yung ultralight, 'di lang 'yung helicopter, at 'di lang 'yung tunay na eroplano but lahat ng bagay na lumilipad. Kaya ang tawag namin doon ay 'Weekend of Everything That Flies.' At saka ito lang ang activity dito sa Pilipinas na maging two-year old ka o maging 75-year old ka napakasarap tingnan, nakakalambot ng puso at nakakatuwa," ani Roa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.