TINGNAN: Pinagandang CR sa mga gasolinahan sa Davao, dinarayo

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2018 11:38 AM

DAVAO CITY - Dahil sa halos kada linggo na pagtaas ng presyo ng gasolina, laging nakakatanggap ng reklamo mula sa mga motorista ang mga gasolinahan sa Davao City.

Kaya may naisip na pampawala ng stress ang ibang mga gasolinahan ng Davao -- mas pinagbubutihan na nila ang kanilang serbisyo at mas pinaganda ang kanilang mga pasilidad gaya na lamang ng kanilang mga comfort rooms, ang iba naka-fully airconditioned pa.

Maliban sa mga bagong toilet bowl, may mga bidet na rin ito.

Ang mga lavatory, may tig-dadalawa pang lavatory sink at may nakalagay pang mga bulakbulak na may mga frames din na nakasabit sa pader.

Atraksyon din ang comfort room na ito dahil sa mala-hotel na tema.

May mga nakalagay na decorative separator at may upuan pa.

Mayroon ding mga nakasabit na hexagon style na sinabitan ng mga warm light color na siyang nagbibigay buhay sa black and white tiles na nasa loob ng comfort room.

Ayon kay Vocary Sultan, ang service crew ng gasoline station, marami sa kanilang mga customer ang natuwa dahil sa malinis at mabangong comfort room.

“Sabi nila parang nahihiya naman daw silang gumamit kasi mas maganda pa daw ang comfort room dito kay sa bahay nila," ani Sultan.

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.