Kilalanin ang 'small action force' ng Binalonan

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2018 12:34 AM

Small but terrible ang mga bodyguard ng mayor ng bayan ng Binalonan, Pangasinan.

Tinaguriang Small Action Force ang grupo ng mga bodyguard na binubuo ng mga lalaking nasa 4-foot-2 hanggang 4-foot-5 lamang ang tangkad.

Kapwa mga unano o midget sina Rudy, Ford, Santi at Elmer. Dahil sa kanilang maliit na height, hindi naging madali para sa kanilang lahat na makakuha ng trabaho.

Ayon kay Mayor Ramon Guico III, nais niyang bigyan nang pantay na pagkakataon ang lahat ng mga residente sa kanyang bayan, kaya naisipan niyang buoin ang Small Action Force.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.