Aspiring candidates humabol sa deadline ng aplikasyon sa Binibini, Miss U PH

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 07:26 PM

Watch more in iWantTFC

Humabol sa deadline ang mga aspiring beauty candidates na susubukang maging next Binibining Pilipinas at Miss Universe Philippines.

Sa Binibining Pilipinas, sorpresa ang pag-file ni Sam Bernardo, na second runner-up sa nasabing pageant noong nakaraang taon.

Kasama niya si Miss Eco International 2019 first runner-up Maureen Montagne.

"Binibini will always be in my heart," ani Bernardo.

Balik-Binibini rin si Binibining Pilipinas 2018 first runner-up Vickie Rushton.

Mainit namang pinag-uusapan ang pagsabak muli ng atletang si Michele Gumabao sa pageantry.

Nag-apply si Gumabao, na hinirang na Miss Globe Philippines noong 2018, sa Miss Universe Philippines.

Kasama ni Gumabao mag-apply sa Miss Universe ang iba pang taga-Aces and Queens beauty camp tulad ng dating Mutya ng Pilipinas runner-up na si Pauline Amelinckx.

Umatras naman sa pagsali sa Miss Universe Philippines si Ahtisa Manalo, na runner-up sa 2018 Miss International, dahil sa isyu ng kalusugan.

Sa Binibining Pilipinas search naman, umatras si 2018 Miss Philippines Earth Celeste Cortesi.

"I really wanna work hard, be ready," ani Cortesi.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.