Paano makatutulong ang telecommuting sa mga magulang?

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2019 07:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Paano nga ba makatutulong ang sistemang telecommuting o work-from-home sa mga magulang na abala sa pag-aalaga ng kanilang anak?

Ayon kay Rene Gener, direktor ng human resources group na People Management Association of the Philippines (PMAP), mas may oras na ang empleyado sa pag-aalaga lalo na't hindi na niya kinakailangang bumiyahe para magtrabaho.

"Kung 'yung empleyado ay pupunta sa opisina, may gastos siya eh, susugod pa siya sa traffic, pamasahe, lahat. Sa bahay mo nandoon ka na, makikikain ka nalang sa anak mo," aniya sa "Sakto" ng DZMM
 
Pero ayon kay Gener, magiging epektibo lamang ito kung mapagkakatiwalaan ang empleyado, lalo na't dala nila ang pribadong datos ng kompanya.

Dapat din daw na matiyak ng mga empleyado na naroon pa rin ang pagiging propesiyonal kahit pa man nananatili siya sa tahanan.

Isinabatas nitong Enero ang Republic Act 11165 o ang Telecommuting Act, na nagpapahintulot sa isang empleyado sa pribadong sektor na makapagtrabaho sa labas ng opisina sa pamamagitan ng telecommunication o computer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.