MAYNILA - Ngayong naitala na ang unang kaso ng 2019 novel coronavirus (2019-nCov) sa bansa, nagbigay ng tips ang isang primary care doctor sa pagpapatibay ng resistensiya para makontra ang sakit.
Payo ni Gerald Belandres, kumpletuhin ang oras ng tulog para mapabuti ang resistensya.
Kung maaari aniya, huwag magpuyat.
"Dapat complete ang tulog natin and enough rest. Hindi lang resistensiya [mapapabuti kundi] red blood cells," ani Belandres sa programang "Good Vibes" ng DZMM.
Dagdag pa niya, dapat gumamit ng hand sanitizers at alcohol para mawala ang bacteria sa kamay.
Nakakatulong din aniya kung iiwasan ang stress.
Paliwanag niya: "Once na masaya ka positive energy mas malakas din ang resistensiya mo."
Para kay Belandres, hindi sapat ang pagsuot ng mga face mask para maiwasan ang sakit.
"Ang mask kasi puwedeng protection... Pero kung mahina ang resistensiya mo mahahawa ka at mahahawa ka pa rin," ani Belandres.
At kung may mga sintomas na ng bagong coronavirus gaya ng ubo, sipon, at hirap huminga, magpasya nang i-isolate ang sarili.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, coronavirus, 2019 novel coronavirus, tips, payo, Good Vibes, DZMM, health tips, payo