TINGNAN: 'Super blue blood moon' sa ibang panig ng mundo

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 11:05 PM | Updated as of Feb 01 2018 07:14 AM

Natunghayan sa Pilipinas nitong Miyerkoles ng gabi ang binansagang "super blue blood moon" o sabay-sabay na supermoon, blue moon at blood moon.

'Supermoon' ang tawag sa kabilugan ng buwan na mas malaki at mas maliwanag kaysa sa normal na full moon.

Tinatawag namang 'blue moon' ang ikalawang full moon sa isang buwan, habang 'blood moon' ang pansamantalang pamumula ng buwan tuwing may total lunar eclipse.

Pero bukod sa Pilipinas, maging ang ibang panig ng mundo ay namangha sa angking ganda at lapit ng buwan sa kani-kanilang mga himpapawid.

Napagitnaan ng dalawang Chinese character na nangangahulugang "Beijing" ang "Super Blue Moon" na kinuhanan mula sa isang gusali sa Beijing, China.Kuha ni Damir Sagolj, Reuters

Nangingibabaw ang isang "full" at "super" moon sa bulubunduking Los Andes sa Santiago, Chile.Kuha ni Pablo Sanhueza, Reuters

Hagip ang "Super Blue Blood Moon" sa tanawin ng Statue of Liberty na kita mula sa Brooklyn, New York sa Amerika.Kuha ni Eduward Munoz, Reuters

Nakatabi ang "blood moon" sa tanyag na Singapore Flyer observation wheel ng Singapore.Kuha ni Edgar Su, Reuters

Napagitnaan ang "Super Blue Moon" ng mga watwat ng Tsina at Britanya sa Tiananmen Square sa Beijing, kung saan kasalukuyang bumibista si British Prime Minister Theresa May.Kuha ni Damir Sagolj, Reuters

-- Retrato mula sa Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.