Triplets sa La Union higit 100 ang ninong, ninang

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 01:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kakaiba ang naging binyag ng 10 buwan gulang na triplets na sina Janan, Kishelle, at Browen sa bayan ng Tubao, La Union. 

Bukod kasi sa triplets ang mga bata, mahigit 100 ang kanilang naging ninong at ninang sa binyag. 

Sa binyag, 105 ang bilang ng mga ninong at ninang na pumunta. 

Day care teacher ang nanay ng mga bata na si Agnes Bucsit, habang restaurant helper naman ang tatay ng mga ito, si Rooosevelt Rivera. 

Ayon kay Rivera, kasama sa mga ninong at ninang ang ilang katrabaho, kapitbahay, at kasamahan ng kanilang misis. May mga ilang nakasalubong din na nais maging ninong at ninang dahil sa pamahiin. 

Aminado si Bucsit na hindi nila inaasahang dadami ang bilang ng mga ninong at ninang kanilang mga anak. 

"Hindi po [namin] inaasahan kasi lahat po nagpepresenta, lahat ng makakasalubong mo gusto nila, sa pamahiin kasi hindi puwedeng hindi na kasi baka malas daw," aniya. 

May hiling naman ang ilan sa mga ninong at ninang ng mga bata. 

"Lumaki sana sila nang mabuti, healthy, God-fearing at thankful [ako] na ninong ako," ayon sa ninong na si Angelo Mortel. 

"Masayang subaybayan ang mga batang ito para magabayan sa kinabukasan nila," ayon sa ninang na si Dr. Elma Fang. 

-- Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.