RECIPE: Waknatoy o Marikina Menudo

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 12:01 PM | Updated as of Jan 29 2020 12:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Patok sa siyudad na Marikina ang putaheng "Waknatoy," na tinatawag din nilang "Marikina Menudo." 

Maaari mo itong subukang gawin sa iyong kusina. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Erwin Guinto para ibahagi kung paano magluto ng waknatoy. 

Mas maasim ang bersiyong ito ng menudo, na nilagyan ng mga pampaasim gaya ng lemon at pickles. 

Narito ang mga sangkap: 
• 1/2 kilo laman ng baboy
• 200 grams atay ng baboy
• 1 pirasong chorizo de bilbao
• 2 pirasong sausage o hotdog
• 2 piraso lemon
• 100 grams pickles
• 100 grams red at bell pepper
• 3 pirasong patatas
• 2 pirasong carrots
• 1 tasang kamatis (puree)
• 1 piraso ng sibuyas
• 3 pirasong bawang
• Dahon ng laurel
• Asin
• Paminta

Paraan ng pagluluto: 

Ibabad nang 1 oras o hanggang magdamag ang karne ng baboy sa lemon, asin, dahon ng laurel at paminta.

Pagkababad, pakuluan hanggang magmantika ang karne.

Kapag nagmantika na ang karne isama dito ang chorizo, sausage at atay. Timplahan ng asin at paminta at itabi.

Sa isa pang kawali, maggisa ng sibuyas at isama dito ang patatas, carrots, pickles at red and green bell peppers.

Ihalo sa guisado ang itinabing baboy, chorizo, sausage at atay. Haluing mabuti bago ihalo ang tomato puree.

Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa at hayaan nang 5 minuto bago hanguin.

Maaari nang ihain ang waknatoy. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.