PatrolPH

PANOORIN: Edu Manzano, ipinasilip ang kanyang bahay

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2019 04:29 PM

Kahit abala na siya sa pagiging ama, naniniwala si Edu Manzano na kailangan pa rin niya ng oras at espasyo para gawin ang mga bagay na malapit sa kanyang puso.

Ipinakita ng aktor at host sa “Magandang Buhay” ang kanyang “man cave” sa loob ng kanyang bahay sa lungsod ng San Juan.

Matatagpuan dito ang sofa, massage chair, exercise machine, at desk na may computer.

Aniya, marami ring kalalakihang tulad niya na naghahangad ng “me time” mula sa trabaho at pamilya.

Watch more News on iWantTFC

“Kailangan nila ng kani-kanilang oras paminsan-minsan,” pagbahagi ni Edu sa mga host ng “Magandang Buhay” na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal.

Sampung taon nang nakatira sa San Juan si Edu kasama ang kanyang pamilya. 

Nabili niya ang bahay sa kapatid ng National Artist na si Bobby Mañosa.

Watch more News on iWantTFC

“Unti-unting inayos ko lang para sa aming pangangailangan,” aniya.

Dagdag ng aktor, masaya siya na sa San Juan na sila nakatira dahil maliban sa pagiging payapa ng siyudad ay malapit ito sa mga eskuwelahan ng kanyang mga anak.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.