Ilang tasa ng kape ang pwedeng inumin sa isang araw?

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2023 05:33 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Likas na sa maraming Pilipino ang uminom ng kape upang simulan ang bawat araw. 

Ngunit hanggang ilang tasa ng kape ba ang puwedeng inumin ng isang tao na hindi makokompromiso ang kaniyang kalusugan?

Sa programang “Your Daily Do’s” ni Dra. Luisa sa TeleRadyo, sinabi nito na batay sa pag-aaral, hanggang apat o limang tasa ng kape sa isang araw ang maaaring inumin ng isang tao na malusog ang pangangatawan. 

Subalit kung mayroong problema sa puso katulad ng hypertension o may hyperthyroidism, kailangan umano itong bawasan upang hindi makaranas ng side effects tulad ng palpitations. 

Sa nasabing palabas nitong Sabado, inisa-isa rin ng doktora ang ilan sa mga benepisyo ng pag-inom ng kape tulad na lamang ng pagpapataas ng enerhiya sa katawan at pagpapababa ng posibilidad na magkaroong ng Type 2 diabetes. 

Nakakatulong din aniya itong proteksyunan ang utak ng isang tao at pabababain ang tsansang magkaroon ng depresyon.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC