TINGNAN: Mga bangkang 'bituin' ng Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 01:26 AM

Tila mga bituin sa dagat.

Ganyan inilarawan ni Teofilo Narvaez ang mga ilaw mula sa mga bangka ng mga mangingisda sa Barangay Patitinan, bayan ng Sagñay, Camarines Sur. 

Kuwento ni Narvaez, ganito lagi ang eksena sa lugar kapag malakas ang huli ng dilis at iba pang isda.

 

"’Yong daanan po kasi talaga doon madilim, so agaw-pansin po ‘yong scene. ‘Yong mga bangka kasi po hindi gumagalaw, nandoon lang naka-steady kaya para pong bituin nga na nagre-reflect doon sa tubig ta’s maliwanag. Ta’s marami kasing mga bangka doon… kaya maganda tingnan," aniya.

Enero 15 nang makunan niya ang retrato gamit ang cellphone.

Ayon kay Narvaez, hilig niya ang mobile photography at paborito niyang kunan ng larawan ang kalikasan.--Ulat ni Mitch Bercilla Villanueva

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.