RECIPE: Pamplina

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 01:01 PM | Updated as of Jan 28 2020 01:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sumobra ba ang nilagang baboy o baka noong hapunan? 

Maaaring lagyan ito ng Spanish twist at gumawa ng pamplina - isang soup dish na namana umano ng mga Pilipino sa mga Español. 

Ibinahagi ni Joseph Nano sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Martes kung paano magluto ng pamplina. 

Narito ang mga sangkap: 

  • 900 gramong pork pata
  • 2 pirasong chorizo o longganisa
  • 2 tasang pork o beef broth
  • 1 tasang tomato paste
  • 1 tasang tubig
  • 1 latang pork and beans
  • 1 pirasong sibuyas
  • 2 pirasong kamatis
  • 1 buong repolyo
  • 1 taling petsay
  • Asin
  • Paminta

Paraan ng pagluluto: 

  • Iprito ng 3 minuto ang chorizo. Hanguin at itabi.
  • Sa pinagprituhan, igisa ang sibuyas at kamatis bago ihalo ang 1 tasang pork and beans bago ibalik ang chorizo.
  • Isama sa sinangkutsa ang pata bago ihalo ang pork or beef broth at tomato paste. Pakuluan hanggang lumambot ang karne.
  • Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
  • Ilagay ang repolyo at pechay bago hanguin.
  • Maaari nang ihain ang pamplina. 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.