PatrolPH

7 buwang buntis hataw sa majorette moves sa pista sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2022 01:32 PM | Updated as of Jan 27 2022 01:33 PM

Watch more News on iWantTFC

Nag-viral sa social media kamakailan ang video ng isang buntis na todo-hataw sa pagsayaw sa isang pista sa Taytay, Rizal.

Marami ang natuwa sa pagsisilbing majorette ng tinaguriang "dancing buntis" na si Nicole Barbella.

"Excited kasi ako noon kasi gustong-gusto ko talaga siya. Passion ko po kasi talaga 'yong pagme-majorette," sabi ni Marbella sa panayam ng ABS-CBN News.

"Madalas ko na siyang ginagawa maski nasa bahay ako, naging exercise ko na rin talaga siya," dagdag niya.

Pitong buwan na ang dinadala ni Marbella, na bata pa lang ay nagme-majorette na tuwing pista.

Ayon sa naunang panayam sa obstetrician at gynecologist na si Dr. Angelica Anne Chua, nakakabawas ang pagsasayaw ng dagdag na timbang sa pagbubuntis.

Ngunit hindi lahat ay puwede itong gawin, lalo na kung kambal ang dinadala o maselan ang pagbubuntis.

Nagpaalala rin si Marbella sa mga kapuwa buntis na huwag siyang basta-basta gagayahin.

"Kasi ako po, talaga professional na sa pagme-majorette," ani Marbella.

"Pagkamaselan pa rin 'yong pagbubuntis, mas okay na mag-ingat na lang mabuti," dagdag niya.

Ipinayo rin ng mga eksperto na kumonsulta muna ang mga buntis sa mga doktor upang matiyak na ligtas ang mga gagawing aktibidad.

— Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.