Mga estudyante nagpasiklaban sa tribal dance sa Dinagyang Festival

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2020 06:05 PM

Nagpasiklaban sa pagsayaw ang grupo ng mga mag-aaral sa Iloilo City kasabay ng pagdiriwang ng Dinagyang Festival sa lungsod. Regi Adosto, ABS-CBN News

ILOILO CITY — Walong pangkat ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang bahagi ng Iloilo ang nagpasiklaban ngayong Linggo sa pagsayaw, tampok ang mga dance routine na hango sa kultura ng mga katutubong Aeta.

Ang nasabing timpalak na idinaos sa Iloilo Freedom Grandstand ay bahagi ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng lungsod ng Dinagyang Festival.

Kuha ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Kuha ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Kuha ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bukod sa temang may kinalaman sa kulturang Aeta, sentro rin ng mga sayaw ang debosyon kay Santo Niño, at mga mensahe ng pangangalaga sa mga hayop at likas na yaman.

Namangha ang mga turista sa pagdiriwang.

"It is amazing. I have not seen [anything] like these. The dance[s were] spectacular and the costumes were great," ani Mariusz Mzuda, na taga-Poland.

Aabot sa P5 milyon ang premyong maaaring matanggap ng mananalong pangkat.

Ipinagdiriwang tuwing ika-apat na linggo ng Enero ang Dinagyang, na kinikilala ng Department of Tourism bilang best tourism event sa bansa.-- Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.