Ex-‘PBB’ housemate Kiara Takahashi sumabak sa lion dancing

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2020 03:17 PM

MAYNILA — Isa sa mga nakaugalian tuwing ipinagdiriwang ang Chinese New Year ay ang pagtatanghal ng lion dance, kung saan may mga performer na nagsusuot ng lion costume at ginagaya ang galaw ng nasabing hayop.

Sa programang “Matanglawin,” sumabak sa pagla-lion dance ang dating “Pinoy Big Brother Otso” housemate na si Kiara Takahashi.

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinuruan si Takahashi ng grupong Li Qiang Wushu Dragon Lion Dance Sports Association, na kilala sa pagbibigay ng “modern twist” sa makalumang pagtatanghal dahil sa paggamit nila ng LED lion at glow-in-the-dark dragon.

Itinatag noong 2016 ang Li Qiang Wushu Dragon Lion Dance Sports Association ni Richard Ng dahil sa kagustuhan nitong pasikatin ang lion dance sa mga kabataan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.