Binondo idinaan sa street party ang pagsalubong sa Year of the Metal Rat

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 08:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Star-studded ang street party sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo nitong Sabado para sa pagsalubong sa Chinese New Year, na nataong Year of the Metal Rat. 

Tampok dito ang Kapamilya stars na sina Coco Martin, Joshua Garcia, Julia Barretto, Janine Berdin, Darren Espanto, at marami pang iba.

Tumugtog din ang Parokya Ni Edgar, Ex-Batallion, Sponge Cola, pati sina Gloc 9 at Shanti Dope.

Hatid ang street party ng Filipino-Chinese General Chamber of Commerce sa pakikipagtulungan ng lungsod ng Maynila.

Panauhin sina Manila Mayor Isko Moreno, Senate President Tito Sotto at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Pinangunahan ng mga opisyal ang countdown sa Jones Bridge sa Maynila.

"We are overwhelmed with the excitement of the people. Even the ambassador and I were talking a while ago, thousands of people went to Plaza Binondo, it never happened [before]," ani Moreno.

Enjoy sa panonood ng fireworks display ang mga Manileño, maging mga turista.

"Everything is more fun in the Philippines... It's very pretty, I've seen it before it was renovated. Very nice most especially at night time," ani Sam Luscombe, turista mula New Zealand. 

Kahit pa umambon, hindi natinag ang mga nakisaya sa pagsalubong ng Year of the Metal Rat.

—Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.