PatrolPH

Bagong kasal mula Tagum nakakuha ng P278-K sa prosperity dance

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2021 03:34 PM | Updated as of Jan 24 2021 03:42 PM

Bagong kasal mula Tagum nakakuha ng P278-K sa prosperity dance 1
Nakalikom ng P278,000 ang bagong kasal mula Tagum City sa kanilang prosperity dance noong Enero 23, 2021. Retrato mula kay Jiecar De Lima​

Aabot sa P278,000 ang perang nalikom ng isang bagong kasal mula Tagum City noong Sabado dahil sa kanilang prosperity dance.

Ayon sa groom na si Alvin Tumanda, nagsuot sila ng kapa ng kaniyang misis na si Donna na gawa sa pera, na aabot sa P200,000 ang halaga. Galing umano ang kapa sa kanilang mga magulang.

Nasa P78,000 naman ang bigay ng mga ninong at ninang sa kasal.

Nakatulong umano ang nalikom na pera para mabawi nila ang gastos sa kasal.

Ayon kina Alvin at Donna, ilalaan nila ang perang nakuha sa prosperity dance sa pagsisimula ng negosyo.

Pitong taon umanong naging magkasintahan sina Alvin at Donna bago magpakasal.

-- Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.