ALAMIN: Ilang ritwal, tradisyon na pampasuwerte sa Year of the Metal Rat

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 05:05 PM | Updated as of Jan 24 2020 07:13 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Isang araw bago ang pagdiriwang ng Chinese New Year, tila pista na sa Binondo kung saan maraming Tsino ang namamalagi at nagnenegosyo. 

Itinuturing na pinakamahalagang okasyon ng mga Chinese ang Lunar New Year. 

Year of the Metal Rat ang tema para sa taong 2020. 

Para suwertehin, ibinahagi ng feng shui experts ang mga ritwal at tradisyon na dapat gawin bago pumatak ang Lunar New Year sa Sabado. 

Unang-una, hindi daw dapat mawawala ang lion at dragon dance.

Ayon sa alamat, pangontra ang ingay at mga pulang dekorasyon laban sa "halimaw" na tinawag na "nian shou."

"The old man told them they need to set away fear, they need to put noises, and they need to put paintings on their wall. That’s why during the new year, we have firecrackers to have noise to set away the evil spirit which is the nian shou," sabi ni Almeric Lim. 

Tradisyon din, ayon kay Lim, na pumunta ng templo kasama ang pamilya na bahagi ng paniniwala ng mga Buddhist.

"Firstly is to commemorate the birthday of Maitreya Buddha which is believed to be the successor of Siddharta Gautama. We go to the temple also to give our prayers during the new year’s eve to give good luck for the coming new year."

Marami rin ang nagsusuot ng pula at nagbibigay ng ang pao o pulang sobre na may pera, na karaniwang para sa mga bata. 

Pinaniniwalaan ding nagdadala ng suwerte ang paglalagay ng 13 klaseng bilog na prutas, pati na rin gabi at luya na simbolo ng nanganganak na kasaganahan.

Mabili rin ang mga lucky charms bago ang Lunar New Year.

Depende sa klase, maaaring makaakit ito ng suwerte sa negosyo o kumontra sa sakit, masamang intensiyon, at pagnanakaw. 

Paalala ng feng shui expert na si Maxie Tiu, hindi sapat ang bumili lang ng charm.

"Feng shui is a guide. Dapat you have to share to others," sabi ni Tiu. 

—Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.