Layon ng Wala Usik Tiangge and Cafe na hiyakatin ang mga kostumer na magdala ng sarili nilang mga lalagyan para sa mga bibilhing mga produkto. Marty Go, ABS-CBN News
BACOLOD CITY -- Patok sa Bacolod City ang isang bagong-bukas na cafe na nagsusulong umano ng pagre-recycle ng mga kagamitan sa halip na gumamit ng mga "disposable" o isang beses lamang na nagagamit na lalagyan.
Sa Wala Usik Tiangge and Cafe, hinihikayat ang mga kostumer na magdala ng sarili nilang mga lalagyan para sa mga bibilhing produkto tulad ng sabon, dishwashing liquid, condiments, kape, at bigas.
Nakuha umano ang panglan ng restawran sa salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay "walang nasasayang."
Marty Go, ABS-CBN News
Mga organic at locally grown na kape ang maaaring i-order sa naturang cafe.
Marty Go, ABS-CBN News
Gawa sa recycled materials tulad ng bote ng alak at plastik na kutsara ang furniture at interiors ng naturang establisimyento.
Marty Go, ABS-CBN News
Mayroon ding paglalagyan ng mga coffee grounds sa isang sulok na maaaring gawing pataba.
Proyekto ito ng Philippine Reef and Rainforest Conservation Foundation Inc. (PRRCFI), na layong himukin ang publiko na i-recycle ang mga non-biodegradable na materyales.
Ayon kay Ida Vecino, social enterprise officer ng PRRCFI, gusto nilang buhayin ang dating umanong nakagawian kung saan nagdadala ng sariling lalagyan ang mga customer para makabili ng mga sangkap sa mga pamilihan. -- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, balita, Bacolod, Zero waste, recycle, organic, locally-grown