PatrolPH

PANOORIN: Tuta naiwan sa loob ng sasakyan, ligtas

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2022 03:25 PM | Updated as of Jan 23 2022 03:49 PM

Watch more News on iWantTFC

Video mula kay Ezekiel Latara.

Tumugon ang isang housekeeping staff at pulis sa sumbong ng isang concerned citizen na mayroong iniwang tuta sa sasakyan sa labas ng isang supermarket sa Lanang, Davao City.

Pilit binuksan ni Ezekiel Latara, gamit ang kanyang panungkit, ang naka-lock na front passenger seat ng multicab. Ilang minuto ay nabuksan din ang pinto.

Ayon kay Latara, isang customer ang nagpa-page sa supermarket kaugnay sa isang tuta sa loob ng sasakyan pero wala umanong pumapansin. 

Kaya nagdesisyon siya at ang pulis na pwersahan na lang buksan ang sasakyan.

Agad kinuha mula sa sasakyan ang tuta na nasa loob ng isang karton. Makikitang matamlay at nangingisay na ito.

Ani Latara, hindi na niya nakita pa ang may-ari dahil bumalik na siya sa trabaho pero sa natanggap niyang impormasyon, nasa mabuting kalagayan na ang tuta matapos dalhin sa veterinarian ng may-ari at ng mga tumulong na tao roon.

--Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.