RECIPE: Orange Chicken

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 02:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — May craving ka ba para sa Chinese food? 

Maaari mong subukang magluto ng manamis-namis at maasim-asim na orange chicken. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Huwebes ang guest kusinero na si Arvin Antonio para ibahagi kung paano magluto ng orange chicken. 

Narito ang mga sangkap: 

  •  1 kilong manok
  •  150 gramong orange (mandarin)
  •  2 tasang orange syrup
  •  3 kutsarang honey
  •  1/2 piraso ng orange
  •  1 pirasong itlog
  •  1 pirasong luya
  •  20 gramong potato starch
  •  Asin
  •  Paminta

Paraan ng pagluluto 

Ibabad nang 10-15 minuto ang manok sa asin, paminta, fresh orange juice at balat ng orange. 

Pagkababad, isawsaw ang manok sa binating itlog at ibalot sa harina. I-deep fry hanggang mag-golden brown.

Sa hiwalay na kawali, ilagay ang orange syrup, honey, luya, asin, paminta, spring onion at hayaan itong kumulo.

Ihalo ang sarsa sa piniritong manok.

Ihain na ang Orange Chicken.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.