PatrolPH

Mga deboto ng Santo Niño dumalo sa tradisyonal na ‘Hubo’ bilang pagtatapos ng pista

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2022 11:43 AM

Mga deboto ng Santo Niño dumalo sa tradisyonal na ‘Hubo’ 1
Mga deboto ng Santo Niño dumalo sa tradisyonal na ‘Hubo’ 2

Basilica Minore Del Santo Niño

Basilica Minore Del Santo Niño

Sa unang pagkakataon ngayong taon, binuksan ng Basilica Minore Del Santo Niño sa Cebu ang simbahan para sa mga misa sa pagtatapos ng pista ng Senyor Santo Niño.

Ito ang ritwal na ‘Hubo’ kung saan binibihisan ng bagong damit ang orihinal na imahe ng Santo Niño. Hudyat ito ng pagtatapos ng pista.

Sa pilgrim center isinagawa ang misa kung saan napuno ito ng mga deboto na puro bitbit ang kanilang mga replica ng imahen.

Magkalayo ang mga deboto sa isa’t-isa at naka-mask upang masunod ang health protocols. 30 porsiyento lang din ng capacity ng Basilica ang nakapasok.

 

Sa homily ng rector ng Basilica na si Rev. Fr. Ion Miranda, sinabi niya na ang ritwal ng "Hubo" ay sumisimbolo sa pagmamahal na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan. 

“Ang ritwal ng Hubo ay nahahalintulad sa pagmamahal ng Diyos sa atin kung saan nag-iba siya ng bihis at tinanggal ang kaniyang pagka-diyos upang makapiling tayo."

Ibabalik na din ng Basilica ang mga pisikal na mga misa na ginagawa tuwing Biyernes.

-- ulat ni Annie Perez 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.