RECIPE: Pinaknet o Pinakbet na may bagnet

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2020 06:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sawa na ba sa ordinaryong pinakbet? 

Lalong mapapasarap ang iyong lutong pinakbet kung maglalagay ng bagnet bilang sahog nito. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Martes ang guest kusinera na si Mel Evangelista para ibahagi kung paano lutuin ang pinaknet o pinakbet na may bagnet. 

Ihanda lamang ang mga susunod na sangkap: 

Para sa bagnet: 

  • 1/2 kilo pork liempo
  • 1 teaspoon asin
  • 1/2 litrong tubig
  • 2 tbsp Oil (pinaglutuan ng bagnet)

Para sa pinaknet: 

  • 4 cloves bawang
  • 1 piraso sibuyas
  • 2 piraso kamatis
  • 1/2 cup bagoong
  • 10 piraso sitaw
  • 5 piraso okra
  • 1 small size na ampalaya
  • 1 pirasong talong
  • 1 cup kalabasa
  • 1 kutsarang asukal
  • 1/2 kutsaritang pamintang durog
  • 1/4 kutsaritang asin 
  • 1 tasang tubig
  • Ginawang bagnet 

Paraan ng pagluluto: 

PARA SA BAGNET

Pakuluan ang liempo ng 2 oras sa tubig na mayroon asin at mantika

Hanguin ang liempo at itabi para ma-air dry ng 2-3 hours bago i-prito. Puwede rin ilagay sa ref nang 1 oras ang karne bago i-deep fry.

I-prito ang bagnet.

I-drain ang sobrang mantika at hiwain.

PARA SA PINAKBET
Igisa ang sibuyas, kamatis, at bawang.

Pagkatapos ay ilagay ang bagoong, gisahin ng mabuti.

Sunod na ihalo ang sitaw, okra, ampalaya, talong at kalabasa.

Maglagay na rin ng asukal, pamitang durog at asin ayon sa panlasa. Hahaluin lang ito kasama ang ginisang bagoong.

Pagtapos ay maglagay ng tubig at haluin ulit ito. Takpan at pakuluan sa medium heat sa loob ng 5-10 minuto.

Ihain kasama ang bagnet.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.