TINGNAN: Ati-Atihan festival ng Kalibo dinagsa ng mga turista, deboto

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2020 04:54 PM | Updated as of Jan 19 2020 05:19 PM

Agaw-pansin din ang mga makukulay na costume ng mga tribo kaya patok ito sa mga dayo, lalo na sa mga mahihilig sa selfie. Retrato mula kay Jennifer Garcia, ABS-CBN News

KALIBO, Aklan — Siksikan sa mga kalsada sa bayan na ito ngayong Linggo ang mga turista at deboto ng Sto. Niño para sa taunang Ati-Atihan festival.

Umaapaw ng mga imahen ng Sto. Niño o batang Hesus ang labas ng simbahan para pabasbasan ito. Retrato mula kay Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Umaapaw ng mga imahen ng Sto. Niño o batang Hesus ang labas ng simbahan para pabasbasan ito.

Pagkatapos ng misa ay dumagundong na ang tunog ng drums sa mga lansangan na tila ba street party.

Ang ilang banyaga, sumali sa mga tribo at nakiindak.

Agaw-pansin din ang mga makukulay na costume ng mga tribo kaya patok ito sa mga dayo, lalo na sa mga mahihilig sa selfie.

Ang Ati-Atihan festival ay kinikilalang "Mother of Festivals" ng Pilipinas. Retrato mula kay Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Naging maayos naman ang daloy ng parada ng mga tribu at wala pang naiulat na insidente, maliban sa ilang mga bata na nahiwalay sa kanilang mga magulang sa kalagitnaan ng pagdiriwang.

Ipinagbabawal sa festival area ang mga bote at matutulis na bagay.

Nagpatupad din ng signal shutdown sa lugar mula alas- 4 ng umaga na tatagal hanggang alas-9 ng gabi.

Ang Ati-Atihan festival ay kinikilalang "Mother of Festivals" ng Pilipinas.

— Ulat ni Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.