PatrolPH

PANOORIN: Sisiw na Philippine Eagle pinapakain gamit ang eagle hand puppet

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2022 03:02 AM | Updated as of Jan 18 2022 03:03 AM

Masayang kumakain ang agilang si Chick 29 sa tulong ng isang hand puppet na agila sa video na ibinahagi ng Philippine Eagle Foundation kamakailan.

Watch more News on iWantTFC

Gumagamit sila ng puppet-rearing para hindi masanay sa presensya ng tao ang sisiw.

Ayon pa sa PEF, ang limitadong interaksyon ng tao ay makatutulong para masigurong matagumpay ang natural pairing nito sa ibang agila.

Si Chick 29 ang itinuturing na "bunso" sa mga agila sa Philippine Eagle Center sa Davao City.

Noong Disyembre 4, napisa ang ika-29 na Philippine Eagle sa PEC na si Chick 29, anak ng mga agila na sina Ariela at MVP Matatag.

— Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.