Mga larawan mula Sta. Elena MPS/CNPPO
Mga larawan mula Sta. Elena MPS/CNPPO
Tuwang-tuwa ang isang inmate sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte matapos niya makasama ang kaniyang anak sa pagdiriwang ng ika-5 kaarawan nito.
Bukod sa pinayagan siya ng pulisya na mabisita ng anak, nag-ambagan para sa isang "surprise" birthday party ang buong himpilan ng Sta. Elena Municipal Police Station sa pangunguna ng hepe nito na si Pol. Maj. Kim Lawrence Arenas noong Sabado.
Naging party venue ang himpilan dahil bukod sa nagpagawa sila ng tarpaulin at naglagay ng mga dekorasyong lobo, may inihanda din silang mga pagkain kagaya ng spaghetti, pansit, baked macaroni, pritong manok at lumpia.
Kinantahan nila ng birthday song ang bata, at pinangunahan ng ama ang "blowing the candle" ng cake ng bata.
Nakatanggap din ng mga regalo ang bata mula sa mga pulis.
Ayon kay Bicol Police regional director Pol. Gen. Jonnel Estomo, bukod sa mahigpit nilang pinaiiral ang mga batas, makakaasa rin sa pulisya ng serbisyong may malasakit ang publiko.
— Ulat ni Jonathan Magistrado
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.