(UPDATE) Sino ba naman ang hindi matatakam sa malasang beef salpicao?
Sa "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ni Rossel Taberna, misis ng broadcaster na si Anthony Taberna at co-owner ng restoran na Ka-Tunying's Kitchen, ang kaniyang recipe ng nasabing putahe.
Ang mga sumusunod ang sangkap na dapat ihanda sa paggawa ng beef salpicao:
- 180 gramo ng laman ng baka
- 20 gramo ng bawang (Tinusta)
- 2 kutsarita ng butter
- Mantika
- 20 milliliter ng pasta stock
- 80 gramo ng Patatas
- 45 milliliter ng salpicao mixture
Narito ang paraan ng pagluluto:
- Maglagay ng butter at mantika sa mainit na kawali
- Kapag natunaw na ang butter, igisa ang tinustang bawang
- Sunod na ilagay ang laman ng baka at lutuin sa loob ng isa hanggang 2 minuto
- Ilagay ang salpicao mixture at pasta stock saka haluing mabuti sa loob ng 3 hanggang 5 minuto
- Patayin ang apoy saka ilagay ang patatas
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.