RS Francisco, excited sa mga dapat abangan sa Miss Universe Philippines

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2019 03:22 PM | Updated as of Jan 16 2019 03:51 PM

MAYNILA -- Isa ang aktor na si RS Francisco sa mga nagpahayag ng kanyang pananabik sa nalalapit na engrandeng pagbabalik Pilipinas ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray para sa kanyang homecoming parade. 

Kuwento ni RS na kilala din na malapit sa Miss Universe Organization, muling inukit ni Catriona ang mapa ng Pilipinas sa mundo dahil sa pagmamahal nito sa bansa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Raymond Francisco (@rsfrancisco888) on

"Ang ganda ng image ng Philippines all over the world now, 'di ba? We raised our flags and not just Philippines' but everyone else's flag. I think she taught everyone, not just the Filipinos, but everyone about patriotism, to love your country, raise your flag and be proud of where you come from and where you born," ani RS sa panayam ng ABS-CBN News.

Aniya, bilang isang Pilipino, masaya siya na muling nanalo ang Pilipinas sa prestihiyosong beauty pageant.

"Alam mo that's why I'm very happy with Catriona kasi parang she made everybody united in the Philippines talaga," sabi pa niya.

At dahil kilalang malapit sa pamunuan Miss Universe Organization, 
hindi naiwasan na itanong ang kanyang saloobin sa bali-balitang lipatan ng Miss Universe franchise sa Pilipinas.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Exciting times, 'yun talaga ang sinasabi ko. Maraming mangyayari ngayon, sobrang exciting na mangyayari, especially now that we are headed by the queen Catriona Gray. So maraming doors ang ino-open ni Cartriona. Ang ganda ng ginagawa niya," matipid na pahayag pa ni RS.

Inaasahan na magbabalik Pilipinas si Catriona sa huling linggo ng Pebrero para sa kanyang homecoming parade.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.