Ariella Arida, nagbigay saloobin ng paglipat ng Miss Universe Philippines franchise

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2019 03:16 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ARIELLA Arida (@araarida) on

MAYNILA -- Mainit na usapin ngayon ang tila malaking pagbabago sa larangan ng beauty pageant.

Kasunod ito ng maugong na balita na paglipat ng Miss Universe franchise mula sa Binibining Pilipinas sa LCS Group of Companies na pagmamay-ari ni Luis Chavit Singson.

Dahil dito, nagbigay saloobin ang isa sa mga produkto ng Binibining Pilipinas na si Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida.

"Actually 'yung haka-haka pa lang, for them parang siyempre Binibining Pilipinas has been there ever since kumbaga tradisyon, 'yung legacy," tugon ni Ariella Arida sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes.

Aniya, bilang produkto ng Binibining Pilipinas, masasabi niyang ikalulungkot niya kung sakaling matutuloy nga ito.

"Ako ang masasabi ko parang daig ko pa ang nakipag-break sa aking boyfriend na 10 years ko nang kasama," aniya.

Malaking pagbabago naman ang kanyang nakikita kung sakali na matutuloy nga na mapunta sa LCS Group ang Miss Universe franchise.

"I guess for this one, since bago po siya para siyang Miss World Philippines before, nagkaroon siya ng sarili niyang pageant. So this one unless, si Miss Universe Philippines may binili siyang ibang titles,” patuloy niyang kuwento.

At bilang dating kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe, nakikita niya din itong magbubukas ng pagkakataon para sa mga nagnanais na koronahan.

"Ang nakakatawa nga sa mga nababasa ko, pwedeng maging all-star, kasi ‘yung mga nanalong Binibining Pilipinas noon na hindi nanalo ng Miss Universe title pwede na silang sumali sa Miss Universe Philippines. So abangan natin, for sure malapit na 'yan,” pahayag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.