TIPS: Paano mapoprotektahan ang pagkain mula sa volcanic ash

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 03:22 PM

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko, lalo iyong mga nasa lugar na apektado ng pag-alboroto ng Taal Volcano, na maging maingat sa paghahanda at pagtatago ng pagkain dahil maaaring malantad ang mga ito sa volcanic ash.

 

Narito ang ilan sa tips ng DOH para mapanatiling ligtas ang pagkain mula sa volcanic ash:

  •  Hugasang mabuti ang mga kamay. Maghugas bago magluto at bago kumain. 
  •  Banlawan sa umaagos na tubig ang mga gulay at prutas. 
  •  Uminom lamang ng malinis na tubig. 
  •  Takpan nang mabuti ang mga lalagyan ng tubig. 
  •  Tiyaking hindi expired ang inimbak na mga pagkain. 

Mapanganib sa kalusugan ng tao ang abong ibinubuga ng bulkang Taal dahil, ayon sa DOH, may taglay itong acid at mga kemikal gaya ng carbon dioxide, sulfur dioxide, at hydrogen sulfide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.