Sharon Cuneta, aminadong nagpapa-Botox

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 12:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Dahil puhunan ng celebrities na maging maganda ang pisikal na itsura, naitanong kay Sharon Cuneta kung nagpa-enhance na ba siya o bukas sa posibilidad na magparetoke.

Naging diretso at prangka si Sharon sa kanyang naging sagot.

"If you come close anybody and check my face, see I still have lines. When I do Botox it's very minimal and really, really not often because I don't want to lose my expressions, lalo kapag artista ka. Ayaw ko 'yung minsan iiyak ka 'yun ang mukha mo, tatawa ka 'yun din dahil hindi gumagalaw," ani Sharon.

Pero kung magkaroon ng pagkakataon, sinagot ni Sharon kung anong bahagi ang gusto niyang ipa-enhance.

"For the longest time ayaw ko talagang galawin pero nung pinapanood ko 'yung 'Kuwaresma' sabi ko parang over na yata kapag umiiyak ako. Baka ito (eye bags) ipaayos ko ng kaunti. Parang I feel that you owe it to your audience to look as good as you can but still looking your age, just looking young for your age. I want to age gracefully," paliwanag ni Sharon.

Kasama si Sharon sa new season ng "Your Face Sounds Familiar" na isa sa aabangan ngayong 2020. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.