Kung naghahanap ng ulam na siksik sa sustansiya at sarap, puwedeng subukan ang makulay na ginisang sayote with carrots and young corn.
Sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ni Beverly Ingal, may-ari ng RBI's Grill, isang restoran sa Quezon City, ang paraan ng pagluto sa nasabing putahe.
Ihanda ang mga sumusunod na sangkap:
- 2 butil ng bawang
- 1 buong maliit na sibuyas
- 1 pirasong sayote
- 1 carrots
- 100 gramo ng young courn
- 100 gramo ng baboy
- Kintsay
- Pork stock o tubig
- 1 kutsarang patis
- Pamintang durog
Paraan ng pagluluto:
- Igisang mabuti ang baboy hanggang magmantika
- Igisa kasama ng baboy ang sibuyas at bawang
- Isunod sa gisado ang sayote, carrots, at young corn, at haluin bago lagyan ng pork stock
- Hayaan ang hinalong mga putahe hanggang maluto ng bahagya ang gulay
- Timplahan ng patis at paminta bago ilagay ang kintsay. Hanguin makalipas ang isang minuto
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Umagang Kay Ganda, recipe, ginisang sayote with carrots and young corn, sayote, vegetables, cooking