PatrolPH

Virtual Sinulog tampok sa gaming app

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2023 04:10 PM

Retrato mula sa Roblox Filipino Catholics
Retrato mula sa Roblox Filipino Catholics

Isang developer mula Cebu City ang lumikha ng virtual na Sinulog Festival sa pamamagitan ng gaming app.

Ang laro ay tumatakbo ngayon sa gaming app na ROBLOX, ayon kay Bayan Patroller Chalmondley, na nagpadala ng mga screenshot ng online game sa Bayan Mo iPatrol Mo.

Si Chalmondley ay miyembro at senior developer ng Roblox Filipino Catholics (RFC), isang grupo ng mga kabataang taong-simbahan. Nakabase siya ngayon sa United Arab Emirates.

Ayon kay Chalmondley, nagsimula ang Virtual Sinulog noong 2015 at ginawa niya ito para ipakalat ang debosyon sa mga kabataan.

Natutuwa umano siya dahil may mga sumasali sa palaro galing ibang bansa.

Ayon sa RFC, tatakbo ang Virtual Sinulog sa gaming app na ROBLOX mula Enero 11 hanggang 15 at bukas din ito sa Enero 20.

Ipinagdiriwang tuwing Enero sa Cebu ang Sinulog, na isang religious festival para sa imahen ng Santo Niño.

— Ulat ni Dabet Panelo, Bayan Mo iPatrol Mo

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.