Catriona Gray, kumasa sa 'Catriona' dance challenge

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 12:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Game na nakisali si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa nauuso ngayong dance challenge na ipinangalan sa kanya. 

Sumayaw ang beauty queen sa pag-awit ni Matthaios, ang mismong lumikha ng kantang "Catriona," sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes.

Kasama ni Catriona na kumasa sa hamon ang "Magandang Buhay" hosts na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros, gayundin ang guest co-host na si Jodi Sta. Maria.

Sumama rin sa sayawan sina Jackque, Stephen, at Sanrio ng "It's Showtime."

Sa programa, nagpasalamat si Catriona sa awiting ginawa ni Matthaios para sa kanya.

"It's actually really great to finally meet you... Sobrang flattered naman ako kasi ang ganda talaga ng song. It's a very respectful and flattering song, and I love how you made the message na, 'every Filipina can be a queen,'" pahayag ng beauty queen sa singer. 

"I really love that you use it to broaden it to that perspective, and you are also bringing a spotlight to OPM and Filipino music," dagdag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.