100 beauties, nangangarap makasali sa Bb. Pilipinas 2018

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2018 10:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mahigit 100 beauties ang humabol sa 5 p.m. deadline kanina para sa tsansang makasali sa Binibinang Pilipinas 2018 pageant.
 
Sorpresa ang line-up ng mga bagong applicants na nakuhanan ng TV Patrol para sa una nilang practice sa pagrampa.

Kabilang sa matunog ang pangalan si professional volleyball player at dating Pinoy Big Brother housemate na si Michele Gumabao. 

Gayundin ang dating housemate at Mutya ng Pilipinas titlist Vicky Rushton na huling napanood sa 'FPJ's Ang Probinsyano.' 

Tumaya rin ang maraming beauty titlists mula Miss Philippines Earth, Miss Philippines World, Mutya ng Pilipinas, at iba pang beauty pageant.

Gayundin, nag-aala-Pia Wurtzbach at Kylie Verzosa ang mga repeat candidates mula sa nakaraang edisyon ng Binibining Pilipinas. 

Panay na ang hasa ng mga beauty camps para sa training ng kani-kanilang manok para masungkit ang mga korona para sa Binibining Pilipinas Universe, International, Supranational, Intercontinental, at Tourism International.

“I want to fulfill my grandmother's dream to be a beauty queen, even though I already graduated as doctor of medicine,” ani Ena Velasco, isa sa mga aplikante.

“I hope this will be my first and last time to join Bb. Pilipinas so I can represent our country,” sinabi ni Samantha Bernardo.

Ihahatid ng ABS-CBN ang makukulay na eksena sa pagpili ng final Binibining Pilipinas 2018 candidates, pati na ang coronation night sa March 18.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.